BOY: ang sarap ng food sa ***

GIRL: oo nga...

BOY: kain naman tayo dun minsan...

GIRL: ...

BOY: *titig* ...

GIRL: *taas kilay* treat mo?

BOY: ahahaha... ahahaha...

...

GIRL: napanood mo na yung ***?

BOY: hindi pa...

GIRL: nood tayo...

BOY: sige! sunduin kita sa inyo!

GIRL: uhhhhhh... *hindi naman n'ya ibig sabihin na magkasama at sabay silang manonood*

...

BOY: *nagpapatanggal ng bracelet kay girl*

GIRL: nakoooo, kunyari pa raw hindi niya kayang tanggalin.

BOY: hehe, naglalambing lang...

...

BOY: gutom na'ko...

GIRL: kumain ka na.

BOY: hindi hintayin na kita para sabay tayo...

...

 

GIRL: *uh, dude, pare. anlabo mo kausap. deretsahin mo 'ko kung gusto mo ako o hindi* 

Currently feeling: nyahaha.
Posted by pilyangbata on July 15, 2007 at 03:37 AM | sampol nga.

masarap maging haiskul.

masaya maging bata. masaya magsuot ng white blouse at long checkered skirt.

mas maganda pa noon na simple lang mga inaalala ko sa buhay.

sana mawala na pimpols ko.

sana naman pansinin ako ng crush ko.

ano kaya ang isusuot ko sa prom?

bakit ba buraot yang teacher na yan?

anong oras ba matatapos ang klase para makapaggala na..

shet wala na naman akong assignment.

mga ganun lang. simple lang ang buhay. simple lang ang mga naiisip mo. sobrang saya maging bata.

feeling mo hawak mo na ang mundo.

at higit sa lahat...

masaya makinig sa callalily dahil lang teenager ka.

 

pag grown-up ka na, lahat ng ginagawa mo, kinukwestiyon. wala nang room for mistakes dahil dapat alam mo na yan. dahil nung teenager ka, sinasabi na lang nila na "teenager kasi eh.." everytime we fuck up.

pag grown-up ka na, marami ka nang responsibilidad at matindi ang guilt trip.

naalala ko noong high school ako. feeling ko sobrang nakakulong ako sa pagiging hindi bata at hindi matanda. pero eto lamang ang tanging panahon na masaya akong para sa akin ang phone, makakapakinig ako ng westlife at n*sync ng hindi hinuhusgahan, at hindi ko pa pinoproblema ang well, anuman ang mga pinoproblema ng mga grown-ups.

kung pwede lang akong maging high-school ulet.

 

makikinig rin ako ng callalily.

Posted by pilyangbata on June 29, 2007 at 11:11 PM | 1 pasimple.

binigyan na naman ako ng halaman -- ni duday! dalawang aloe vera kaya tinawag ko silang si duday at kikay. ang saya-saya.

x x x

walang pasok bukas (na naman) kaya super-yehey. sobrang in denial lang talaga ako na kailangan ko pang mag-aral kasi sobrang tamad na tamad na ako.

isipin mo na lang mula nung 3 years old ako nag-aaral na ko! hindi pa ko marunong magbasa nag-aaral na ako! wala pa akong muwang sa mundo, monday to friday na kong nagsusuot ng uniform at sumusunod sa utos ng mga megalomaniac at sadist na mga guro!

sino ba namang hindi tatamarin nun?!?

x x x

LAVAGE

kanina duty sa ICU. badtrip. ayoko sa ICU dahil mapapagod ka kaka-manipulate sa mga pasyente mong walang malay. oras-oras ka pang nagva-vital signs. at i'm sure you know na hindi na kaaya-aya ang mga amoy ng mga pasyenteng matagal nang walang ulirat.

kanina nag-lavage ako ng isang pasyente. to the highest level ang naglabasang fluids ng kanyang NGT.

alam nyo yung napkin na ginagamit ng mga babae tuwing may buwanang dalaw? alam mo yung gamit na napkin? ngayon itago mo ang used napkin na yun sa loob ng tokador nyo, sa ilalim ng porn collection ng kuya mo. maghintay ng tatlong araw. matapos ang tatlong araw, ilabas ang gamit na salungmani at langhapin ito.

bango diba?

ganun ang amay ng na-lavage ko sa kanya. nakapuno yata ako ng tatlong basyo ng dextrose.

sa totoo lang hanggang ngayon naaamoy ko pa ang matinding... amoy nun. grabe talaga.

x x x

kanina pumunta kami sa park para mag-swing at mag-see saw. nakakatawa siguro, at nakakahiya!, kasi ako na yata ang pinakadambuhalang bata dun. nakakahiya talaga. pero okay lang kasi masaya naman.

ngayon ko nalaman, na nakakahilo pala ang swing, at masakit pala sa pwet ang see-saw.

bakit kaya nung bata pa tayo hindi naman ganun ang feeling pag sumasakay ka sa "rides" na yun?

Posted by pilyangbata on June 29, 2007 at 07:06 PM | sampol nga.

haynako.

siguro... siguro nga ganun lang.

gusto ko nang palabasin si wendy sa bahay ni kuya. eh kaso. ayun.

hindi naman ako bumoto para sa ibang housemates na mas gusto kong mag-stay kesa kay wendy, kaya wala naman akong K para magalit diba.

buti sana kung araw-araw kong binoboto si bodie.

 

alamo. parang ganito rin yung gobyerno at politika natin sa pilipinas. isipin mo na lang.

1. asar tayo kay wendy diba.

2. kaya lagi nating sinasabi na dapat siya na ang matanggal.

3. pero wala naman tayong ginagawa para matanggal siya.

4. edi sana binoto natin kung sino man ang pakiramdam nating mas karapat-dapat na manatili sa bahay ni kuya.

edi sana. ok ang lahat.

 

edi sana. wala si wendy sa loob ng bahay ngayon.

 

 

 

 

edi
sana.
hindi
ko
na
kailangang
maging
nurse
para
lang
buhayin
ang
pamilya
ko.

 

 

pramis, sa 2010 boboto na talaga ako.

Currently feeling: irita!
Posted by pilyangbata on June 29, 2007 at 12:14 AM | 3 pasimple.

ang. saya. saya.

dahil...

wala na namang pasok! yehes.

sa tingin ko lang, hindi makatarungan na tuwing tag-ulan ang pasukan kasi;

UNA: mahirap magpatuyo ng mga damit

PANGALAWA: di makagala

PANGATLO: maputik; dyahe

PANG-APAT: laging cancelled ang klase dahil baha; basa ang blackboard; basa ang chalk; stranded si mam; stranded ang kalahati ng klase-- wala tuloy natututunan!

PANLIMA: baduy magdala ng payong

pero sabagay, mawawala ang esensya ng "PASUKAN!" kung hindi maulan.

eniwei.

so wala ngang pasok. napag-isipan namin ng kaibigan kong si duday (ako naman si kikay. seryus. pramis.) na maglakad-lakad. pero badtrip, kasi alas otso pa lang ng umaga.

lahat ng mall, sarado pa.

lahat ng fastfood, sarado.

lahat ng beerhaus at bilyaran, sarado.

at kakahanap ng bukas na establishamento (sori di ko alam tunay na spelling), nauwi kami sa tindahan ng halaman.

hindi yung flower shop na nagtitinda ng nakabalot na bulaklak ha! as in yung halaman na nakatanim pa sa lupang nakabalot ng itim na plastik. yun. ganun.

eh mahilig pala si duday sa halaman. eh ako naman, trying hard lang ang pagkahilig sa halaman. lahat ng alagaan ko, namamatay. ultimo cactus! namamatay pa sa kin. kamusta naman yon.

so pagkatapos ng ilang minutong pangungulit at pagtatanong-tanong, siguro nakulitan na yung boy sa'min at gusto na nya kaming palayasin. tinagpas nya yung parte ng isang halaman at inabot kay duday. wow, freebies! tas hahaltakin ko na sana si duday para makauwi na kami kaso bigla kong natanong kung anong halaman ang pinakamadaling alagaan.

sabi ng boy, "eto." sabay tagpas dun sa isang wishing plant. tas inabot sakin. ayan, may freebies na rin ako! ang saya-saya.

ang wishing plant ang pinakamadaling alagaang plant dahil ilalagay mo lang siya sa isang garapong may tubig. pwede mo ring lagyan ng pebbles para kunyari goldfish yung inaalagaan mo, pero pwede ring wag na lang. tapos pwede mo shang ilagay sa loob ng kwarto mo, at kahit na hindi siya maarawan, mabubuhay siya.

pinangalanan ko ang aking wishing plant na "tinkerbell" kasi nga diba, wishing plant, eh san ba nagwiwish edi sa fairy. kaya tinkerbell.

tas nagtenkyu na kami dun sa boy na ubod ng lumpia, este-bait pala. tas nagpramis ako na kapag nabuhay ko ang aking wishing plant, babalik ako para bumili ng iba pang halaman.

ewan ko lang kung totohanan yang pramis ko na yan.

Currently feeling: yehes...
Posted by pilyangbata on June 28, 2007 at 10:47 AM | 2 pasimple.
« Newer · Older »